Never Forget 2022
I have never felt so hopeless for my country until now.
Kagabi, buong pamilya kaming nakatutok sa TV para sa partial unofficial results. Initially at around 3% election returns, Marcos Jr. leads almost half compared with VP Leni; ganun din si Sara kay Sen. Kiko. Within 30 minutes stats were updated and it still shows the same, nanlalamig ako lalo. I cannot explain but I am not feeling good about the results. We tuned in almost 2-2.30 hours until ako na lang ang naiwan sa sala, Marcos Jr. and his running mate are “winning by majority”. Pag akyat ni Papa, tinanggal na niya ang tarp sa harap ng bahay namin. It was a long night, I slept before 2am chatting with Jex, Jia, Jassy, Eunice, and Keene. Nag-aabang, naghihintay, nagmamatyag. Patuloy na umaasa na magbabago pa ang trend pero to be honest, given the faster turnaround of election returns, I feel defeated already. Sakto, while I was on Twitter, Fr. Fiel hosted a Space where we prayed the rosary, after praying the sorrowful mystery, nagpatugtog siya ng mga kanta, the second one was Rosas – doon hindi ko na napigilan umiyak. Hindi ko maintindihan, ako ay naguguluhan. Hindi ako makapaniwala na isinuka na nga ay kakainin mo pa rin. Walang pinagkatandaan, hindi na natuto. I am filled with rage and great disappointment because this is not the government I deserve.
Nagising akong mabigat ang loob; pagtingin ko ay wala na rin ang mga pink ribbons na nilagay ni Papa sa aming gate at terrace. Mabilis akong kumain ng almusal at naglog-in (buti na lang wfh ako) habang nanonood ng pahayag ni VP Leni na ginawa niya noong madaling araw. It was so comforting, she looks calm pa rin kahit the odds are not in her favor. But most importantly… I feel hopeful again, she did not concede yet. Sabi ko nga, hangga’t hindi sumusuko si Leni, hindi rin ako susuko.
Nagpatuloy akong magtrabaho, I really tried but I am preoccupied with thoughts – galit, dismaya, panghihinayang, disgust, frustration. Kaya most of the time today ay babad din ako sa social media at nagbabasa ng mga iba’t-ibang viewpoints, madami din ang biglang nagpahayag ng kanilang suporta kay Marcos Jr. whom I did not saw before *surprise*. Sama-sama kami ng aking mga kaibigan na magpahayag din ng lungkot, galit, inis – well, we tried lifting up the mood sa group chat at times pero it is mostly us sharing our grief. I noticed that I usually my emotions/mood are in denial, acceptance, and anger… sometimes pity.
In denial because Leni is an obvious choice but we choose not to. She offered herself but to no avail.
Anger most especially to those like us who are “educated” and “professionals”. All the red flags are there pero bakit proud pa rin kayo? Why did you discarded the injustices transpired during their families’ time? Nagagalit. Nagagalit ako dahil hinayaan na naman nating mapasakamay ng pamilya ng diktador.
Acceptance na I need to move forward and respect the “majority”. Sabi nga nila, people elect the government they deserve… so deserve nila ito. Deserve namin ito.
Pity especially to those from the lower classes who rooted for Leni because in a way we have failed them – the government failed us. Pity to those who continue to lambast and badmouth Leni and Kiko because that just goes to show how our society tolerated the disinformation, misinformation, and propaganda all throughout the years. It has been ingrained and infiltrated that they are continuously buying that information.
Nakakapagod emotionally at mentally. Parang ayoko na rin umasa sa totoo lang.
Pero panghahawakan ko ang sinabi ni Leni, hindi pa tapos ang laban ang nag-uumpisa pa lang ito. Patuloy akong titindig sa tabi nila ni Sen. Kiko at patuloy na ipaglalaban ang katotohan.
“Ang mahalaga, lumalaban.”
“Mapapagod, pero hindi susuko.”
Magpapatuloy at kakayanin.